Home / News / 2SSBn nagdiwang ng ika–55 Anibersaryo

2SSBn nagdiwang ng ika–55 Anibersaryo

Ang 2nd Service Support (Provider) Battalion (2SSBn) 2nd Infantry Division, Philippine Army ay ginunita ang kanilang ika-55 anibersaryo noong ika-22 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. MGen Rhoderick M Parayno AFP, Komander ng 2ID ang siyang naging panauhing pandangal sa nasabing anibersaryo kasama ni Cpt Randy Van Dizon, pinunong pari ng simbahan ng 2ID kaalinsabay ang pagba-basbas sa mga bagong proyekto ng 2SSBn.
Ang silid ng mga sundalo (Enlisted Personnel Barracks), tanggapan ng mga tagakumpuni (Maintenance “Restorer” Company Office) at ang tanda ng talaan ng mga naging pinuno ng 2SSBn (Lineage of Commanders) ang siyang binigyang basbas na proyekto na ipinagawa sa ilalim ng panunungkulan ng kumander ng 2SSBn na si LTC Joel D Aquino PA. Sa naturang kaganapan, ginawaran dito ang mga piling tauhan, bilang pagdakila sa ipinakita nilang gilas sa larangan ng kani-kanilang natatanging kaalaman at gayun din sa iba’t ibang tanggapan ng hukbo at kaayudang ahensiya tulad ng TESDA Tanay at Taytay, 2DTS, 59IB, 2SigBn, 4FPAU na naglaan ng tulong na nagdulot sa katuparan sa mga layunin ng 2SSBn o 2ID. Isang ring palabas ang ipinakita sa mga dumalo bilang anunsiyo ng mga gawaing ginampanan ng 2SSBn sa loob ng isang taon. At bilang pasasalamat, ang selebrasyon ay nagtapos sa isang kaunting salo-salo at kasayahan na inialay sa mga dumalo sa naturang okasyon.
Previous 2ASH holds Bloodletting Activity
Next 2ID conducts Combat and Operational Stress First Aid training

Check Also

2ID conducts Combat and Operational Stress First Aid training

The 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division held a two day Combat and Operational Stress First ...